QC, handa na sa sandaling ibalik sa GCQ ang NCR

Inilalatag na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga bago nilang health protocols sa sandaling mag-desisyon ang Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ibalik sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Sinabi ni Q.C. Mayor Joy Belmonte na o-obligahin ang lahat ng mga pribado at pampublikong kompanya na ipatupad ang mga bagong guidelines na binuo ng lokal na pamahalaan sa pagbabalik GCQ.

Mayroon na rin silang 700 na mga kinuhang bagong contact tracers na siyang magiging katuwang ng Department of Health (DOH).


Tuloy rin ang operasyon ng inilagay nilang mega swab testing center sa Quezon Memorial Center para magsagawa ng RT-PCR test sa mga residente ng lungsod.

Nagdagdag na rin ang pamahalaang lungsod ng mga isolation facilities at mga bed capacity sa mga ospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng QC government.

Ito ay upang ma-accommodate ang mga maaaring mag-positibo sa COVID-19 sakaling bumalik sa GCQ ang Mega Manila.

Facebook Comments