QC Health Office, nakapagtala na ng kabuuang 1,280 na kaso ng dengue sa lungsod

Nakapagtala na ang Quezon City Health Office ng kabuuang 1,280 na kaso ng dengue hanggang nitong July 28, 2022.

Ayon kay City Health Department Officer-in-Charge Dr. Esperanza Arias ito ay 129.80 percent na mataas kung ikukumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Noong nakaraang taon, nakapagtala ng pitong nasawi dahil sa dengue.


Sinabi ni Dra. Arias na parehong mino-monitor ngayon ng QC-CESU ang COVID-19 at dengue cases sa lungsod dahil sa tumataas na mga kaso.

Ani Dra. Arias, malimit na ang sintomas ng dengue ay ang pagkakaroon ng lagnat ng mula dalawa hanggang limang araw.

Halos kapareho lang ng mayroong COVID ang sintomas ng dengue.

Payo ng health officer sa mga residente na may ganitong sintomas, magpasuri na sa kanilang pinakamalapit na health centers upang matiyak kung ito ay dengue o COVID-19.

Facebook Comments