QC, ina-activate ang response protocol para mapigilan ang pagkalat ng mpox sa lungsod

Pinagana na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang sarili nitong mga protocol sa pag-iwas, pagkontrol, at pagtugon laban sa mpox o monkeypox kasunod ng naitalang unang kaso nito sa Pilipinas ngayong taon.

Taong 2022 nang maitatag QC-LGU ang mekanismo sa pagtugon sa mpox.

Ang mga nars, doktor, at mga medical personnel medikal na tauhan, kabilang ang mga health care workers sa social hygiene at sundown clinic ay nakatuon sa pagkilala at paglaban tungkol sa virus.


May mga umiiral na ring mga protocol para sa pagpapadala ng mga specimen sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), gayundin ang isang referral system sa mga ospital.

Ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD) ng City Health Department (QCHD) ay nag-organisa din ng isang Quick Response Team para sa contact tracing at sa pagkuha ng mga sapat na personal protective equipment at iba pang logistical na pangangailangan para sa contact tracing.

Nitong Lunes, iniulat ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng mpox sa bansa.

Ang pasyente, isang 33-anyos na lalaki na naninirahan sa National Capital Region (NCR), ay walang travel history sa ibang bansa.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng QCESU, ang pasyente, bagaman hindi residente ng QC, bumisita sa isang dermatology clinic sa lungsod para sa konsultasyon, at nag-avail din ng mga serbisyo ng isang masahista sa isang spa.

Pinayuhan ng LGU ang mga residente na sundin ang mga health protocol na itinakda ng DOH kabilang ang wastong paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa pakikipag-ugnayan sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng mpox, dahil ang mpox ay maaaring maipasa sa isang tao sa pamamagitan ng pakikipagtalik, at malapit o direktang kontak sa mga sugat. , pagdikit sa balat ng mga likido sa katawan, o plema ng taong may mpox.

Facebook Comments