QC, inaalam na kung papano nahawaan ng COVID-19 ang ina ng unang nagpositibo ng UK variant case

Kasalukuyan nang inaalam ng Quezon City Government ang kaso ng ina ng lalaking galing ng Dubai na positibo na rin ng COVID-19.

Ayon kay City Epidemiology ang Disease Surveillance Unit Head Dr. Rolly Cruz, anumang araw ay malalaman na kung common COVID-19 virus o UK variant ang sakit na dinaranas ng ina.

Paliwanag ni Cruz masusi nilang iniimbestigahan kung paano nagpositibo ang ina


Samantala, lahat ng frontliners mula sa Brgy. Kamuning ang nagnegatibo sa virus maliban sa isang healthcare worker ng Hope Isolation Facility na kasamang nag-asikaso sa lalaki ang nagpositibo .

Bukod sa nanay, nagpositibo na rin sa COVID-19 ang nobya ng unang UK variant case na unang nagnegatibo sa swab test pagdating sa bansa.

Sumasailalim na siya sa 14-day quarantine sa kaniyang bahay habang hinihintay ang kumpirmasyon kung UK variant o regular COVID-19 virus ang kanyang sakit.

Nilinaw rin ng CESU na hindi rin taga-Quezon City ang dalawa pang pasahero ng eroplano na nagpositibo sa ginawang re-swabbing test.

Facebook Comments