QC Jail Mail Dormitory, inilunsad ang No Juan Left Behind Program

Tiniyak ng Quezon City LGU na magkakaroon na ng kabuhayaan ang mga PDL na nakapiit sa lungsod.

Ito ay sa pamamagitan ng ‘No Juan Left Behind’ program na inilunsad ng Quezon City Government para sa mga nakadetine sa QC Male Dormitory.

Sa ilalim ng programa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga PDL na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, makapagtapos ng kolehiyo at maaari pang magkaroon ng kabuhayan para sa kanilang pamilya.

Kasama pa rito ang libreng check-up at medical para sa mga PDL, gayundin ang livelihood skills at training hatid ng Radisson Hotel.

Facebook Comments