Mas naghigpit pa ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanilang ipinatutupad na contact tracing sa lahat ng mga bilanggo sa Quezon City Jail (QCJ).
Kasunod ito ng nakumpirmang nagpisitibo sa COVID-19 ang 9 na mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa QC Jail matapos maisailalim ang mga ito sa Testing nuong Abril a-13
Ayon kay BJMP Spokesman J/CInsp. Xavier Solda, iniutos na ni BJMP Chief J/Dir. Allan Iral ang mabilisang contact tracing sa nakasalamuha ng mga bilanggo at agad agad maisailalim sa isolation
Ani Solda, mahigpit na ipinagbabawal sa ngayon ang pagtanggap ng dalaw para sa mga bilanggo sa lahat ng kanilang pasilidad sa buong bansa
Nakikipag ugnayan na rin ang BJMP asa Department of Health (DOH) para sa mga gagawing pagsasaayos ng kanilang pasilidad sa Quezon City.
Nagpatupad na rin aniya ng rotation sa mga jail guards at pinaigting na rin ang biosafety measures na ginagawa sa QC Jail upang maiwasan ang hawaan sa loob ng bilangguan.