QC-LGU, all set na sa pagbubukas ng klase sa August 29

Upang matiyak na magiging maayos ang pagbubukas ng klase sa Martes, August 29,2023, all set na ang mga hakbang at resources ng Quezon City government para alalayan ang mga estudyante at mga guro para sa school year 2023-2024.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, abot sa 458,000 na mga estudyante ang magbabalik-eskwela.

Ayon Kay Belmonte, problema pa rin ang school congestion o siksikan sa mga classroom.


Pero, ayon kay Belmonte, may mga ginawa na silang hakbang para dito.

Kabilang dito ay konstruksyon ng mid-rise school buildings at paggamit ng blended learning.

Magkakaroon ng tatlong araw na face-to-face classes at dalawang araw na asynchronous o synchronous classes.

Ikinokonsidera rin ng LGU ang bus system o paggamit ng ng school service para mailipat ang sobrang estudyante sa
QC schools na hindi pa naabot ang full absorptive capacity.

Nasa proseso na rin ang QC government ng pagpapakilala ng QC Voucher system para sa elementary learners.

Una na kasi itong sinubukan sa senior high school level, kung saan ilang mga estudyante ang binigyan ng voucher para i-enroll sa accredited QC private schools.

Plano rin ng LGU na i- lease o ipa-upa sa private schools ang mga hindi nagagamit na gusali para maging extension facilities sa congested public schools.

Facebook Comments