QC-LGU, aminado na tumaas ng 5% ang positivity rate ng COVID-19 cases sa Quezon City

Tumaas ngayon ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod Quezon.

Ayon sa OCTA Research, bahagyang tumaas ng 5% ang positivity rate sa lungsod batay sa datos kumpara sa 4% noong nakaraang linggo.

Ito’y batay sa November 29 data ng Department of Health (DOH) at City Epidemiology and Surveillance Unit.


Sa pinakahuling datos na inilabas kahapon ng Local Government Unit (LGU), tumaas sa 615 ang active cases ng COVID-19 sa lungsod mula sa 589 noong November 29.

Nasa 25,224 ang kabuuang bilang ng validated cases at 18,705 pa ang suspected cases.

Hanggang kahapon, umabot na sa 23,891 ang bilang ng mga gumaling na habang nasa 718 na ang mga namatay.

Facebook Comments