QC LGU at Comelec, puspusan ang ginagawang preparasyon para sa BSKE

Buong pwersang nagtutulungan ang mga departamento ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon at Commission on Elections (Comelec) para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Isa-isang ipinapamahagi ang mga election paraphernalia para sa mga presinto sa District 4 hanggang 6 kung saan nauna nang ipinamahagi ang election paraphernalia para sa District 1 hanggang 3.

Nasa 550 traditional jeep at 170 city-owned vehicles ang katuwang ng Lungsod Quezon upang maging maayos ang distribusyon ng ballot boxes, election supplies at paraphernelia sa mga polling center.


Nabatid na aabot sa 169 polling centers ang inihahanda sa buong Lungsod ng Quezon upang maging maayos ang takbo ng eleksyon, kasabay ng pagdeploy ng daan-daang empleyado ng QC Government.

Magkakaroon din ng kauna-unahang mall voting precincts sa QC kaya’t puspusan na ang kanilamg preparasyon.

Kasabay rin nito ang pilot testing ng Comelec upang i-automate ang barangay elections sa Barangay Pasong Tamo.

Facebook Comments