QC LGU at mga barangay sa lungsod, nagsagawa ng Rapid Damage Analysis kasunod ng magnitude 7.0 na lindol sa Tayum, Abra

Agad na nagsagawa ng pagsusuri ang mga needs assessment team ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) sa katatagan ng mga gusali ng lokal na pamahalaan matapos maramdaman ang intensity 4 sa lungsod kasunod ng magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Abra.

Ayon sa QC-DRRMO, agad na pinalabas ang mga kawani sa mga city hall buildings sa kasagsagan ng naranasang pagyanig.

Sa ngayon, walang nakitang mga damages o pinsala sa city hall compound.


Patuloy na nakikipag-ugnayan sa PHIVOLCs ang QC-DRRMO para ma-monitor ang posibleng aftershocks.

Pinakikilos na rin ang DRRMO sa antas sa barangay na magsagawa rin ng kanilang sariling assessments sa mga local government buildings bago pabalikin ang mga nagtatrabaho roon.

Facebook Comments