QC-LGU, binigyang pagkilala ang ilang indibidwal at grupo na tinatawag na COVID-19 community heroes

Binigyang pagkilala ng Quezon City Local Government ang ilang indibidwal, grupo at organisasyon na aktibong nagbahagi ng kanilang tulong sa COVID-19 efforts sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, sa kabila ng banta ng COVID-19, patuloy na itinataya ng awardees ang kanilang buhay sa kagustuhang makatulong sa kanilang komunidad.

Kabilang lang sa mga pinarangalan ay ang mga sumusunod: si Jay Angelo Pineda ng Technology Start-up Whiz Philippines Innovations.


Siya ang nasa likod ng online campaign na #SalamatFrontliners.

Kinilala rin ang Kingspoint Homeowners Association Inc. sa pamamagitan ng presidente nito na si Lamberto Nolasco na ipinagamit ang bakante nilang lote upang makapagtanim ang mga mahihirap na pamilya ng assorted na gulay.

Namahagi rin ito ng food items sa mga mahihirap na pamilya at inasistihan ang senior citizens na makapag-avail ng financial assistance sa QC-LGU.

Kinilala rin ang Metro Manila Persons with Disability Vendors Association, Inc. na naglunsad ng isang relief efforts sa mga PWDs sa sampung barangay sa Quezon City.

Gayundin ang Triskelion Riders of Quezon City na namigay ng grocery items sa jeepney drivers at nagsagawa ng blood-letting program.

Facebook Comments