QC-LGU, dinala na sa social media ang kampanya sa kahalagahan ng pagsusuot ng facemask

Ginamit na rin ng Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) ang social media para ipalaganap ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask upang maiwasan ang pagkalat ng sakit COVID-19.

Tinawag ang kampanya na “Why I Wear a Mask” na makikita sa official Facebook page ng QC-LGU.

Ang nasabing hakbang ay nakagawa na ng positibong tugon at komento mula sa Facebook followers at citizens na pumapabor sa panawagang pagsusuot ng face masks.


Limilitaw sa ib’at ibang pag-aaral na ang tamang pagsusuot ng face masks ay nakakabawas ng transmission ng virus ng hanggang 70%.

Ito rin ang pinakasimple at pinakamurang paraan para makapagligtas ng buhay.

Tiniyak ng city government na palalakasin din nito ang online campaign upang itaguyod ang paggamit ng face mask sa pamamagitan ng official Facebook page.

Facebook Comments