QC LGU, humingi ng tulong sa DSWD para mapauwi ang mga katutubong Badjao na biglang nagsulputan sa lungsod

Umapela na ng tulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Quezon City Government para sa mga pamilyang Badjao na biglang nagsulputan sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte biglang dumami ang mga Badjao sa lungsod at namamalimos sa mga lansangan.

Galing ang mga ito sa Batangas at Pampanga na silanta rin ng kalamidad at nagbakasakali sa Metro Manila para humingi ng tulong.


Ilan sa mga grupo ng Badjao ang namataang pagala-gala at namamalimos sa Novaliches ang ni-rescue na ng pamahalaang lokal.

Giit ni Belmonte, lubhang napakadelikado ng kanilang sitwasyon lalo pa’t hindi pa tapos ang pandemya.

Ang mga Badjao ay sasailalim sa medical check-up at rapid testing para matiyak na wala silang sintomas ng COVID-19.

Pagkatapos nito, bibigyan sila ng travel passes at tutulungang makauwi sa kanilang lalawigan.

Facebook Comments