QC LGU,  idedeploy ang mga fire trucks para sa pag rasyon ng tubig

Idedeploy ng  Quezon City LGU ang mga  fire trucks para mag deliver ng tubig sa mga residente na apektado ng pagkawala ng suplay ng tubig.

Ayon kay Ares Gutierrez, pinuno ng Quezon City Public Affairs and Information Services Department, bumuo na ang qc government ng isang joint monitoring center para imonitor ang water rationing.

Abot sa 285,000 na kasambahayan mula sa 82 barangay ang apektado ng  water shortage.


Pakikilusin ng Quezon City Fire District ang labingwalong fire stations para sa pagrarasyon ng tubig.

Para sa mga residente sa Quezon City, maari nilang Ireport ang kawalan ng suplay ng tubig sa Hotline 1627 o sa Quezon City Hotline 122.

Facebook Comments