Ikinagalak ng Quezon City government ang pagpayag ng Diocese of Novaliches na gawing vaccination sites para sa COVID-19 ang kanilang mga simbahan.
Nakipagpulong na si Mayor Joy Belmonte sa obispo at mga kaparian na nagpahayag ng kahandaang makipagtulungan sa pamahalaang lungsod.
Ayon kay Belmonte, dahil sa aktibong partisipasyon ng Simbahang Katolika sa vaccination drive malaki umano ang maitutulong nito para mahikayat ang mga residente na nagdadalawang isip pa na magpabakuna.
Sa Novaliches pa lamang ay may 15 malalaking parokya na ang magagamit sa pagbabakuna ng Local Government Unit (LGU) para sa COVID-19.
Facebook Comments