Inihahanda na ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang ayuda para sa may 20,000 mga Persons with Disability (PWDs), senior citizens at solo parents.
Tuluy-tuloy pa sa mga susunod na araw ang pamamahagi ng tulong sa harap ng dumarami pa ring bilang ng mga taong nagpaparehistro para makakuha ng ayuda.
Base sa datos, may 34,000 pa ang nakapagparehistro sa Kalingang QC Program online payout.
Gayunman, hinihikayat pa rin ng pamahalaang lungsod ang iba pa na magparehistro para maka-avail sa programa.
Kabilang dito ang mga tricycle, pedicab, jeepney, Public Utility Vehicles (PUVs), taxi, Transportation Network Vehicle Service (TNVS) drivers at lactating mothers.
Sa kabuuan, aabot na sa 57,094 ang mga nabenepisyuhan ng programa.
Facebook Comments