
Nagsagawa ng joint inspection ang mga tauhan ng City Engineering Department at Schools Division Office ng Quezon City sa ilang paaralan lungsod.
Ilan sa mga binisitang paaralan ng mga opisyal ang sa Libis Elementary School, Pura V. Kalaw Elementary School, at JP Laurel High School.
Bukod dito, nakipag-ugnayan din ang mga naginspeksyong opisyal sa mga schools principal at barangay officials para suriin ang structural integrity ng mga gusali sa Balara Elementary School at Bagumbayan Elementary School.
Ito ay ayon sa direktiba ng DepEd-NCR at bilang patuloy na paghahanda ng QC LGU sa kalamidad at pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maging maayos at ligtas ang mga pasilidad ng mga pampublikong paaralan.
Facebook Comments









