Maagap na kumilos ngayon ang Quezon City LGU upang maiwasan na ang mass gatherings na posibleng pag-ugatan ng pagkalat ng COVID-19.
Ito’y sa harap ng iba’t ibang aktibidad ng mga barangay ngayong buwan at sa mga susunod pa.
Naglabas ngayon ng bagong alituntunin o guidelines ang lokal na pamahalaan na nagbabawal muna sa mga prosisyon at mga parada na kaugnay sa mga religious at fiesta activities.
Batay sa inilabas na kautusan ni Mayor Joy Belmonte, bawal muna ang mga fairs, perya, variety shows, fireworks display, ati-atihan at iba pang public performances.
Bawal din ang mga pampublikong palaro katulad ng pageants, singing o band contests, bingo, pabitin, paluan ng palayok, agawan, o tug of war.
Kasama rin dito ang mga tournaments, group contact sports tulad ng basketball.
Hindi rin papayagan ang public buffets at boodle fights.
Banned din ang inuman o public drinking, drinking outdoors o sidewalks, ang group videoke.