QC-LGU, isinantabi muna ang pagpapataw ng penalty sa hindi pagbabayad ng real property tax

Nagpasiya ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na huwag munang ipatupad ang pagpapataw ng interest sa mga hindi nabayarang buwis ng mga real property owners sa lungsod hanggang March 31.

Ito ang batay sa ipinasang Ordinance No. SP-2979 na nagkakaloob ng tax amnesty sa lahat ng may outstanding real property tax liabilities sa lupa at gusali.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, layon nito na makaagapay ang mga residente sa lungsod sa long-term effect ng COVID-19.


Nagpatupad din ng iba pang tax schemes ang LGU kabilang ang mga sumusunod:

  • Extension ng Business Tax Payment kasama rito ang fees at charges mula January 20 to April 20, 2021 na walang penalty, surcharges, at interest.
  • Inalis na ang surcharge at interest para sa delayed 2nd, 3rd, and 4th Quarter installments para sa 2020 business tax hanggang March 31, 2021.
  • Suspensyon ng pagpapataw ng real property tax para sa land based na may approved schedule of fair market values na hanggang December 2022.
Facebook Comments