QC LGU, isinusulong na ipangalan sa yumaong si ex-DENR Sec. Gina Lopez ang La Mesa dam Eco park

Plano ngayon ng Quezon City LGU na gawing Gina Lopez Eco park ang  La Mesa dam eco park na nasa lungsod ng Quezon.

Ito ay kung makakalusot ang isang resolusyon sa City council na nagtutulak sa naturang hakbang bilang pagkilala sa malaking naiambag ni Lopez para ma-isalba ang La Mesa dam eco park.

Gagawing modelo sa ibibigay na parangal ang prestisyosong seacology prize sa California kung saan kinilala ang nagawa ni Lopez sa pangangalaga sa kapaligiran at kultura ng Pilipinas.

Ang La Mesa dam eco park sa Quezon City ang kaisa-isang natitirang kagubatan sa Metro Manila.

Facebook Comments