QC-LGU, kumuha ng 350 na karagdagang contact tracers sa harap ng tumataas na kaso ng COVID-19

Kumuha ng karagdagang contact tracers ang Quezon City-Local Government Unit (LGU) sa harap ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Abot sa 350 contact tracers na nauna nang na-hire sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) contact tracers’ program ang kinuha ng LGU at babayaran ang kanilang serbisyo sa ilalim ng emergency employment program ng Public Emergency and Services Office.

Sa ngayon, mayroon pang 360 na contact tracers ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pinalawig ang kanilang serbisyo mula January 17 hanggang February 19.


Maliban sa DOLE, may partnership din ang LGU sa USAID-RTI at sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit Head Dr. Rolando Cruz, sa kabuuan, mayroong mahigit 1000 contact tracers ang LGU.

Kabilang sa kanilang responsibilidad ay ang pagsasagawa ng community case monitoring, pagkolekta ng data collecting, pag-encode ng data, pagba-validate sa mga reported cases at tumutulong sa vaccination at sa monitoring ng pagpapatupad ng minimum public health standards.

Facebook Comments