Plano ng Quezon City Government na magsampa ng patong-patong na kaso laban sa dating pulis na nambatok at nagkasa ng baril sa isang siklista sa Quezon City.
Sa isang statement, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na kahit nagkasundo na ang cyclist at ang dating pulis na si Wilfredo “Willie” Gonzales, nagpasiya ang LGU na ito na mismo ang maghahain ng asunto.
Giit ni Belmonte, layon nito na bigyan ng leksyon ang katulad ni Willie Gonzales na walang puwang ang mga abusado at bastos ang ugali sa lungsod
Gayundin, nais ni Belmonte na siguraduhin sa cycling community at sa mga residente na nakahanda ang pamahalaang lungsod na ipagtanggol ang kanilang interes at sa paghahanap ng hustisya.
Kabilang sa mga posibleng isampa laban kay Gonzales ay ang mga sumusunod.
1. Grave Threat
2. Slander by Deed
3. Reckless Imprudence
4. Physical Injuries
5. Violations of RA 10591 or absence of a License to Own and Possess a Firearm; absence of Permit to Carry (to be determined)
6. Revoking these if they exist.
7. Violation of bike lane ordinamce