Nangako ang pamahalaang lungsod ng Quezon na mas maging maunawain ito sa mga unvaccinated individual.
Ginawa ng lokal na pamahalaan ang paniniyak kasunod pagkakasita sa isang babaeng sumasakay sa EDSA carousel bus kahit may ipinakita siyang vaccination card.
Inisyu ng Quezon City government ang vaccination card nito nang pigilin itong makasakay sa pampublikong transportasyon ng Highway Patrol Group.
Ayon pa sa LGU, papayagang makalabas ang sinumang nakatapos ng first dose at magpapa-schedule pa lamang ng second dose o kaya naman ay may medical condition kaya hindi makapagbakuna.
Para naman sa mga pasaherong gustong magbabakuna ay dadalhin sa mga vaccination site.
Gayunman, sa January 21 ay magiging epektbo na ang ordinansa ng lungsod patungkol sa limitadong galaw ng mga hindi bakunado.