QC-LGU, may babala sa mga funeral parlors at crematoriums na tinatanggihan ang labi ng nasawi dahil sa COVID-19

Nagbabala ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon City na mahaharap sa kaparusahan ang mga funeral parlor at crematorium sa lungsod na tatangging asikasuhin ang ang mga labi ng namatay sa COVID-19 at sa paniningil ng mataas na service fees.

Nagpatibay na ng ordinansa ang Quezon City Council na nagtatakda ng mga protocol para sa funeral homes at crematoriums para iproseso ang mga labi ng namatay na COVID-19 patients.

Itinatakda rin dito ang pagbabawal na makapagtaas ng service fees mula sa dating presyo mula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Pagmumultahin ng ₱5,000 ang bawat lalabag at pagkakakulong ng hindi hihigit sa anim na buwan at posibleng pagkansela sa business permit.

Oobligahin na rin ang mga ospital at health care facilities sa Quezon City para sa mandatory cremation ng COVID-19 patients sa loob ng 12 oras.

Facebook Comments