QC LGU, nag-abiso sa publiko kaugnay sa trapik sa Quezon Memorial Circle na mararanasan sa Sabado dahil sa live screening ng British Embassy sa Coronation ni King Charles III

Naglabas na ng abiso sa mga motorista ngayon pa lamang ang Quezon City Government sa Trapik na lilikhain ng British Embassy Event sa Quezon Memorial Circle sa araw ng Sabado.

Ayon sa QC Local Government Unit (LGU), magsasagawa ng live screening ang embahada ng Britanya sa makasaysayang koronasyon ni King Charles III at asawang si Camilla bilang Queen Consort.

Paliwanag ng QC LGU, alas-4:00 ng hapon magsisimula ang event na magtatapos hanggang alas-9:00 ng gabi.


Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista na iwasan munang dumaan o maghanap muna ng alternatibong ruta habang isinasagawa ang live screening dahil sa posibleng mararanasang trapik sa QC.

Facebook Comments