QC-LGU, nagbabala sa mga magulang at establisyemento na parurusahan ang mga ito kapag pinayagang lumabas ang mga menor de edad

Mga magulang at establisyemento na ang papatawan ngayon ng kaparusahan para sa paglabag ng mga menor de edad sa quarantine protocol.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, P1,000 ang ipapataw na multa sa mga magulang na pinayagang lumabas ng nga tahanan ang kanilang mga anak.

P5,000 naman at revocation ng business permit ang parusa sa mga establisyemento na papayagang pumasok ang mga menor de edad.


Ginawa ng Konseho ang ordinansa dahil napansin nilang may mga magulang at mga establisyemento na pinapayagan ang mga menor de edad kahit mahigpit itong ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force for Emerging on Infectious Diseases (IATF).

Magiging epektibo ang ordinansa makalipas ang 15 araw matapos itong ilabas sa mga pahayagan at ipapaskil sa mga pampublikong lugar.

Facebook Comments