QC LGU, nagbukas na ng mga satellite office sa lahat ng distrito para sa mga PWD

Binuksan na ang mga satellite office ng Persons with Disability Affairs Office sa lahat ng distrito ng lungsod ng Quezon.

Ayon sa QC Local Government Unit (LGU), mas mapapadali na ang makapagbigay serbisyo sa mga Persons with Disability (PWD) gaya na lamang ng pagproseso ng QC identification, pagtanggap ng PWD registration at renewal, pagtanggap ng request at iba pa.

Dagdag pa ng LGU na maaari nang bisitahin ng mga PWD ang mga satellite offices nito sa Beltran Street sa Barangay Katipunan para sa District 1, Commonwealth Barangay Hall sa District 2, Calderon Street sa Barangay Marilag Project 4 para sa District 3.


Para sa mga taga-District 4, maaari nilang puntahan ang Archival Center Sct. Reyes Barangay Paligsahan, Novaliches District Center sa Jordan Plains Barangay Novaliches Proper para sa mga taga-District 5.

Mananatili pa ring bukas ang City Hall Main Office nito at magsisilbi pa rin sa mga PWD.

Facebook Comments