QC-LGU, naglabas ng bagong guidelines para sa public transportation sa lungsod sa gitna ng pagpapatupad ng ECQ

Photo Courtesy: Quezon City Facebook Page

Naglabas ng bagong guidelines ang pamahalaang lokal ng Quezon City na nagpapahintulot sa tuloy-tuloy na operasyon ng public transport sa gitna ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Pinapayagan ang pagbiyahe ng mga public transportation, kabilang ang mga tricycles sa kondisyong mahigpit na susundin ang limited capacity rules.

Ang mga tricycles ay maari lang mag- accommodate ng isang pasahero bilang pagsunod social distancing.


 

Ang mga large capacity vehicles naman ay kinakailangang magpatupad ng one seat apart rule.

Para naman sa mga taxi at Transport Network Vehicle Service (TNVS), dalawang pasahero ang papayagan na parehong pauupuin sa back seat.

Pinapaalalahanan naman ang mga pasahero na ugaliing magsuot ng face masks at face shields at ang mga driver naman ay papayagang ‘di magsuot ng face shield para sa safety purposes.

Facebook Comments