QC-LGU, naglabas ng show cause order upang pagpaliwanagin si Councilor Franz Pumaren kaugnay sa nangyaring food distribution sa Brgy. Old Balara

50

Nagpalabas ng show cause order si Quezon City Mayor Joy Belmonte laban kay City Councilor Franz Pumaren.

Ito’y upang pagpaliwanagin si Pumaren sa paglabag nito sa health protocols nang magsagawa ito ng food distribution activity sa Barangay Old Balara.


Pormal na ring tinanggap ngayong araw ni Pumaren ang naturang show cause order.

Inatasan na rin ni Belmonte ang legal department na imbestigahan ang pangyayari at magsampa ng kaukulang kaso kung kinakailangan.

Agad na ring kumilos ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit para magsagawa ng COVID-19 testing sa mga pumila sa pamamahagi ng ayuda.

Ayon sa lady mayor, seryoso ang Local Government Unit (LGU) sa pagpapatupad ng mga COVID-19 protocols at titiyaking mananagot ang mga violators kahit ano pa ang kanilang posisyon o estado sa buhay.



Nagbabala si Belmonte sa mga residente kabilang na ang mga opisyales na mananagot ang mga ito sa batas sakaling ilagay nila sa peligro ang kaligtasan at kalusugan ng nakararaming residente sa lungsod.


Facebook Comments