QC LGU, naglabas ng supplemental guidelines sa mga residential at commercial establishments sa harap ng pagsipa ng COVID-19 cases

Naglabas ng supplemental guidelines si Quezon City Mayor Joy Belmonte upang mapigilan ang posibleng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa mga residential at commercial establishments sa lungsod.

Sa pangalawang supplemental General Community Quarantine (GCQ) guidelines, oobligahin na ang mga building managers at homeowners associations na i-report ang mga residente, mga empleyado, tenants at mga kliyente na magpopositibo sa COVID-19.

Kahit hindi residente ng lungsod ang mga ito, kailangang i-report sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa loob ng 24 oras mula sa pagkalabas ng COVID-19 test results.


Responsibilidad din ng building managers na i-monitor ang pagsunod sa health protocols tulad ng pagbabawal sa pagtitipon sa common areas at ang madalas na pagdi-disinfect.

Ipinahihinto rin sa loob ng mga subdivision, condominium at club houses ang operasyon ng mga swimming pool at ibang leisure activities.

Inatasan din ng CESU ang mga business establishment na bigyan ng access ang mga city government contact tracers sa kanilang contact tracing efforts.

Facebook Comments