QC-LGU, naglatag na ng Comprehensive Recovery Plan para sa ‘new normal’

Gumugulong na ang Comprehensive Recovery Plan ng Quezon City Local Government Unit (LGU) habang patuloy na nag-a-adjust ito sa ‘new normal’.

Kabilang dito ang paglalaan ng ₱2.9 bilyon para sa blended learning sa public schools at universities sa lungsod.

Kasama rin dito ang stimulus packages para suportahan ang micro at small entrepreneurs sa QC.


Sa NCR, ang QC ang unang LGU na nagdeklara ng state of calamity bago pa maipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon upang matugunan ang mga pangangailangan para labanan ang sakit.

Naglaan ang QC ng ₱7 bilyong pondo para sa food packs, cash aid at iba pang uri ng ayuda sa ilalim ng QC-COVID Response Program kabilang na ang ‘Kalingang QC’ na nagkakaloob ng ayudang pinansiyal sa mga senior citizen, PWDs, solo parents, lactating mothers, transport sector workers at market vendors.

Facebook Comments