Pinag-iingat ng Quezon City Local Government Unit ang mga residente na nagsasagawa ng mga get-together at year-end activities na kaugnay sa holiday season.
Ginawa ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QCESU) ang babala sa harap ng pagtaas ng naitatalang COVID-19 cases sa lungsod nitong nakalipas na mga linggo.
Nakataas ngayon ang red status alert ang COVID-19 early warning system sa Quezon City.
Ang daily average cases mula December 4 hanggang 7 ay nasa 27 cases.
Ito ay 57.9% na mataas kumpara sa nagdaang week average.
Ang average positivity rate sa lungsod ay nasa 14.55%.
Ang average daily attack rate per 100,000 population ay naita sa 0.85 habang ang forecasted reproduction number ay 1.
Ang nakikita ni QCESU Chief Dr. Rolando Cruz na dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID ay ang sunud-sunod na parties ngayong Christmas season at ang pagluluwag sa COVID restrictions gaya ng pagsusuot ng face masks.