Naglabas ng revised guidelines ang Quezon City Local Government Unit (LGU) para itaas sa 18 walong taong gulang ang edad ng mga papayagang lumabas ng bahay upang matiyak ang isang malusog at mas masayang pagdiriwang ng Pasko.
Ang mga taong nasa pagitan ng 18 hanggang 65 taong gulang ay pinapayagang umalis ng bahay, sa kondisyon na may dala silang company ID, school ID o anumang government ID.
Ang mga indibidwal na mas bata o mas matanda kaysa sa pinahihintulutang edad ay pinapayagan din pero para lamang sa mga essential needs at kailangang may kasama.
Paalala ni Mayor Joy Belmonte sa lahat ng mga residente na sumunod sa binagong mga alituntunin.
Ang iba pang mga Christmas tradition tulad ng “Simbang Gabi” at fireworks display sa komunidad ay magpapatuloy rin alinsunod sa mga protocol at patnubay sa kalusugan.
Kailangang lamang na hindi lumagpas sa 30% ang kapasidad ng venue sa Simbang gabi.
Habang ang fireworks display naman ay papayagan lamang sa mga itinalagang lokasyon tulad ng Quezon Memorial Circle at Eastwood at dapat naka-livestream online.