Muling nagpalabas ng pondo ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon City upang mapagkalooban ng tulong ang mga hindi nakasama sa cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Pinagtibay na ni Mayor Joy Belmonte ang pangalawa at ikatlong supplemental budget na abot sa ₱1.9 billion para ngayong taon.
Bawat mahihirap na pamilya na wala sa listahan ay bibigyan ng tig-₱4,000 cash assistance mula sa city government.
Ito ay kalahati ng ₱8,000 ibinibigay sa ilalim ng SAP para sa mga taong nawalan ng kabuhayan dahil sa ipinatutupad na ECQ.
Una nang inilabas ng Department of Budget ang Management (DBM) ang ₱479-million fund para sa second supplemental budget na gagamitin sa pagbili ng relief goods.
Kasama din sa ₱1.43-billion third supplemental budget ang ₱750-million para sa SAP assistance, ₱200-million para sa hazard pay ng barangay frontliners, ₱150-million para sa Kalingang QC financial assistance at ₱280-million para sa relief goods.
Una nang naglabas ng ₱750-million pondo ang Local Government Unit (LGU) mula sa unang supplemental budget na nagkakahalaga ng ₱2.8-billion at ipinamahagi bilang tulong pinansiyal sa mga residente.