
Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Quezon City, sa pakikipagtulungan sa Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) – Quezon City, ng Rapid Visual Screening sa ilang pampublikong paaralan sa lungsod.
Layunin nitong masuri ang kondisyon at katatagan ng mga gusali at masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Sa isinagawang inspeksyon, lumabas na mula sa higit 500 gusali mula sa 66 na paaralan, 72 building ang kinakailangang dumaan pa sa masusing pagsusuri dahil sa ilang obserbasyon na nakita.
Kabilang dito ang ilang gusaling itinayo bago ang 1992 amendment ng National Structural Code of the Philippines, kung saan hindi pa lubos na naisasama ang mga pamantayan para sa earthquake-resistant design.
Ilan din sa mga gusali ay may vertical o plan irregularity, kung saan kinakailangan pa ng karagdagang pag-aaral sa kanilang structural design.
Dadaan sa Level 2 screening ang mga gusaling nakitaan sa inspeksyon upang matiyak ang structural integrity ng mga ito.









