QC-LGU, nagsumbong na sa DILG kaugnay ng pinapakitang diskriminasyon ng Arayat LGU

52

Dumulog na sa Department of the Interior and Local Government (DILG) si Quezon City Councilor Winnie Castelo para kastiguhin ang diskriminasyon na paghihigpit ng Arayat Local Government (LGU), Pampanga sa mga taga-Quezon City.

Kasunod ito sa utos ng municipal government na pagbawalang pumasok sa kanilang bayan ang mga residente ng Quezon City dahil sa kaso ng nagpositibo sa bagong strain ng COVID-19 pag-uwi mula sa Dubai.


Sinabi ni Castelo na hindi lang mga taga-Quezon City ang apektado kundi pati mga residente sa Arayat na nagtatrabaho sa lungsod.

Bagamat karapatan ng Arayat LGU na protektahan ang kanilang populasyon, hindi naman kailangan na mag-panic at baliwalain ang karapatan ng ibang mamamayan.

Facebook Comments