Nakahanda na ang lahat sa may 169 polling precincts sa Quezon City para sa paparating na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lunes, October 30.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nakalatag na ang paghahanda para tiyaking ligtas na makakaboto ang mga residente sa may 142 barangays sa lungsod.
Tatlong malls ang itinalagang polling precincts, kabilang dito ang SM City North Edsa sa District 1, Robinsons Magnolia sa District 4, at SM City Fairview sa District 5.
Tatlong polling centers sa District 6 ay magiging bahagi ng pilot testing ng COMELEC para sa automated BSKE 2023, kung saan vote counting machines (VCMs) ang gagamitin ng mga botante.
Kabilang dito ang Pasong Tamo Elementary School, Judge Feliciano Belmonte Senior High School, at sa CBE Town Covered Court.
Abot sa 550 na jeepneys, 170 na city-owned vehicles ang tutulong sa distribusyon at retrieval operations ng ballot boxes at mga election paraphernalia.
Ang mga ito rin ang maghahatid sa mga guro, poll clerks at sa deployment ng mga personnel, at mga relevant personnel.
Magde-deploy naman ang Traffic and Transport Management Department ng kabuuang 887 personnel para sa pagsasaayos ng trapiko habang 390 personnel naman ang Department of Public Order and Safety (DPOS).
Magpapakalat naman ang may 372 na pulis sa Quezon City Police District.