QC LGU, nakahanda na sa epekto ng hanging habagat na dulot ng dalawang sama ng panahon

Nagsagawa na ng Pre-Disaster Risk Assessment ang Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRMMO) bilang paghahamda sa epekto ng dalawang bagyo sa bansa.

Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad ay Quezon City Council at ng mga barangay officials ng lungsod Quezon.

Layon pa rin nito na magtatag ng tuluy-tuloy na operasyon at koordinasyon na may kaugnayan sa mga paghahanda at posibleng pagtugon ng iba’t ibang tanggapan at lokal na barangay bago at sa panahon ng mga epekto ng sama ng panahon.


Pero nilinaw ng QCDRMMO na walang derektang epekto sa Quezon City ang dalawang sama ng panahon.

Subalit, pag-iibayuhin nito ang hanging habagat na siya namang magdadala ng maulap at maulan na panahon na tatagal hanggang sabado at linggo.

Facebook Comments