QC-LGU, nakapagtala ng mataas na bilang ng mga gumaling sa COVID-19

Naitala ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon ang nasa 98.6% o 278,720 na residente ang gumaling mula sa COVID-19.

Sa datos ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), 1,748 ang kumpirmadong aktibong kaso mula sa 282,767 na may kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.

Dumadaan sa validation ng QC Local Government Unit, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa Department of Health (DOH) para masigurong sila ay residente ng QC.


Maaaring magbago pa ang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil na rin sa isinasagawang community-based testing.

Kaugnay nito, pinag-iingat ng QC LGU ang lahat ng kanilang residente upang hindi na tumaas pa ang bilang ng nahahawaan at mabawasan na rin ang naitatalang aktibong kaso.

Muli rin hinihikayat ang lahat na sumalang na sa libreng pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga health center, hospital at sa city hall.

Facebook Comments