Dumating na ngayong araw sa Quezon City ang karagdagang 100,000 doses ng COVID-19 mula sa Department of Health (DOH).
Bukod dito, may paparating pang 100,000 doses ng bakuna bukas, Hunyo 28.
Pero sa abiso ng LGU, hindi muna magbubukas ng slot sa EzConsult at hihintayiin muna ang ilalabas na Certificate of Analysis sa mga susunod na araw.
Ang ilang bahagi ng bakuna ay ilalaan sa Barangay Assisted at QC Vax Easy o City Government Assisted Portal.
Base sa huling tala, umabot na sa 733,008 ang naiturok na bakuna sa mga residente para sa target na 1.7 milyong papulasyon ng lungsod.
Facebook Comments