QC-LGU, nakatutok na sa damage assessment at clearing operation matapos manalasa ng Bagyong Ulysses

Photo Courtesy: QC-DRRMO

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng damage assessment at clearing operations ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QC-DRRMO) matapos palubugin ng Bagyong Ulysses ang maraming lugar sa lungsod.

Ayon kay QC-DRRMO Head Myke Marasigan, wala nang mga binahang lugar pero kinakailangang bilisan ang clearing operations upang maibalik na sa normal ang buhay ng mga apektadong residente.

Pinuri naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ipinakitang kooperasyon ng mga residente sa isinagawang pre-emptive evacuation.


Abot sa 3,221 na pamilya o katumbas ng 11,266 na katao ang nailikas bago tumama ang bagyo.

Ikinatuwa ni Belmonte na walang naitalang nasawi o nasaktan sa kasagsagan ng bagyo.

Nakauwi na sa kanilang mga bahay ang maraming evacuees maliban sa 816 na pamilya na nanatili sa evacuation site sa barangay Bagong Silangan.

Dagdag pa ng alkalde, nilipat na sa temporary shelters ang mga may nasirang bahay.

Plano din aniya nila sa long-term solution na magkaroon ng in-city housing units para sa mga nakatira sa most badly affected areas.

Facebook Comments