Ikinokonsidera ngayon ng Quezon City Local Government Unit (LGU) na ipagbawal ang mga rally sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.
Ayon Kay Department of Public Order and Safety Head Elmo San Diego, isinasaalang-alang nila ngayon ang banta ng Delta variant ng COVID-19 at pwedeng tumindi ito kung magkaroon ng mga mass gathering.
Ani San Diego, sa ngayon ay may mga grupo na ang humingi ng permiso sa LGU sa gagawin nilang pagkilos sa Lunes.
Nakatanggap na rin ng liham ukol dito ang Quezon City Police District.
Nagpulong na rin ang concerned agencies sa QC-LGU kaugnay ng mga paghahanda sa Lunes partikular sa pagsasaayos sa daloy ng trapiko.
Facebook Comments