QC-LGU, pinalawak pa ang lockdown sa West Kamias

Pinalawak pa ng Quezon City Government ang ipinatutupad na lockdown sa Barangay West Kamias.

May labindalawang pamilya sa lugar ang hindi na papayagang lumabas sa kanilang tahanan at dadalhan na lang ng pagkain at iba pang pangangailangan.

Noong Marso 3 ay isinailalim sa special concern lockdown ang No. 46, K-9th Street sa Barangay West Kamias matapos matukoy ang tatlong Coronavirus cases sa lugar na may animnapung residente.
Idineklara ang compound na hotspot kung saan mayroon itong 27 na pamilyang nangungupahan at mga informal settler.


Pitumpu’t dalawang indibidwal sa lugar ang sumalang sa RT-PCR test kung saan 28 sa mga ito ay nagpositibo sa COVID-19.

Sa pinakahuling ulat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, isinama na sa granular lockdown ang No. 47-50 ng K-9th street na mayroong 12 families o katumbas ng 38 na indibidwal.

Isasailalim na ang naturang mga katao sa RT-PCR test ngayong linggo.

Facebook Comments