QC-LGU, pinasimulan na ang online registration para sa mga residente nito

Inilunsad na ngayong araw ng Quezon City Government ang online registration para sa bagong QCitizen ID.

Ang identification card ay siyang gagamitin sa pag-access ng serbisyo ng lungsod kabilang ang Q City Bus, kalusugan, at iba pang social services.

Ayon kay City Administrator Mike Alimurung, ang QCitizen ID ay isa nang unified ID para sa lahat ng residente ng lungsod.


Papalitan na nito ang mga luma at kasalukuyang senior citizen, solo parent, at PWD IDs.

Ito na rin ang magdedetermina sa priority list para sa distribution ng COVID-19 vaccine.

Sa mga kukuha nito, kailangan munang lumikha ng isang account sa E-services portal ng Local Government Unit (LGU) bago mag-apply para sa QCitizen ID.

Sa mga wala namang internet access, magsasagawa na lang ng in-person, on-the-ground registration drive ang LGU sa mga barangay sa mga susunod na linggo.

Facebook Comments