
Target ng Quezon City local government unit na maibsan ang problema sa baha sa susunod na tatlong taon o bago matapos ang termino ni Mayor Joy Belmonte sa pamamagitan ng Updated Master Drainage Plan.
Sinabi ni Peachy de Leon, spokesperson ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), na ang Updated Master Drainage Plan ay mangangailangan ng ₱27 bilyon na gagastusin dito.
Gagayahin umano ang diskarte sa Singapore at Japan naglagay ng clogged smart tunnels at naglagay ng storm water basin retention.
Ipatutupad ito sa pamamagitan na rin ng social approach at good governance sa pamamagitan ng pag-mo-monitor sa bidding projects para matiyak na ang pondo sa proyekto ay mapupunta sa dapat kalagyan.
Pinaalalahanan ni De Leon ang publiko na magkaroon ng social responsibility at huwag nang magtapon ng basura na nagiging sanhi ng pagbaha, gaya sa Commonweath na kailangan na ng malawakang declogging dahil sa naipong basura sa mga kanal.









