QC-LGU, tatapusin na sa June 30 ang pamamahagi ng cash assistance

Hanggang sa katapusan na lamang ng Hunyo ang ginagawang pamamahagi ng tulong pinansiyal ng Quezon City Local Government Unit (LGU) sa ilalim ng ‘Kalingang QC Program’.

Sa abiso ng lokal na pamahalaan, hinihikayat ang mga kwalipikadong sektor na hindi pa nakakuha ng financial assistance na humabol nang magpatala sa kanilang barangay.

Binibigyan na lamang ang mga ito ng hanggang bukas, June 25, 2020, para makapagpatala.


Base sa huling ulat ng LGU, mahigit na sa limampung-libong (50,000) mga taga-QC ang nakatanggap ng pinansiyal na ayuda mula sa lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga Persons With Disability (PWD), solo parents, lactating mothers, senior citizens at iba pang mahihirap na sektor sa lungsod.

Facebook Comments