QC-LGU, tiniyak ang tulong sa pamilya ng magkakapatid na batang nasawi sa Brgy. Sto. Domingo, kahapon

Nagpaabot na ng tulong at pakikiramay ang Quezon City Government sa pamilya ng magkakapatid na batang nasawi sa Brgy. Sto. Domingo, kahapon.

Ayon sa QC-LGU, sasagutin nila lahat ng gastusin mula burol hanggang sa cremation ng mga bata.

Kasabay nito, magkakaloob din ang pamahalaang lungsod ng psychosocial intervention upang mahatiran ng lakas at suporta ang kanilang pamilya sa panahong ito ng matinding pagdadalamhati.

Tiniyak din ng pamahalaang lungsod na magbibigay ang lokal na pamahalaan ng tulong pinansyal at disaster relief package sa lahat ng nasunugan.

Facebook Comments