QC LGU, tutukan ang sinasabing ammonia leak mula sa isang pagawaan ng yelo sa Barangay San Antonio

Tututukan ng Quezon city Local Government Unit (LGU) ang report ng ammonia leak mula sa isang pagawaan ng yelo sa Barangay San Antonio para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Tumulong na rin ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa imbestigasyon at humanap ng mga paraan para ito ay hindi na maulit sa hinaharap.

Base sa Quezon City Comprehensive Zoning Code of 2016, ang planta ay nasa ilalim ng Low Intensity Industrial Zone.


Pinapayuhan naman ng Quezon City Health Department ang mga residente na kung maaari ay umiwas muna sa lugar at nang hindi malanghap nang matagal ang ammonia.

Kung sakaling ma-expose rito, agad na magtungo sa pinakamalapit na ospital kung marakanas ng mga sintomas tulad ng:

-Ubo

-Abdominal pain

-Blistering of skin

-Burning sensation on nose, throat, lungs, and eyes

-Difficulty of breathing

-Nausea

Facebook Comments