Nakahanda ang Quezon City government na tulungan at asistihan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa payout ng educational assistance sa susunod na batch ng mga beneficiaries.
Sa isang pahayag, sinabi ng LGU handa rin silang makipagtalakayan sa DSWD para plantsahin ang sistema para sa mas mabilis at maayos na pamamahagi ng ayuda.
Sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na makikipagtulungan ang ahensiya sa mga LGUs para sa pamamahagi ng ayuda.
Aniya ang lgu na ang responsable sa pay out sa ilalim ng mahigpit na superbisyon ng DSWD.
Sa unang araw ng distribusyon ng educational assistance sa indigent students sa DSWD Central Office,katuwang ang Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina at Task Force on Transport and Traffic Management ng lgu sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa bisinidad nito.