Ilang pangunahing kalsada sa lungsod isasara na rin bukas simula alas-sais ng umaga.
Magpapatupad ng Extreme Enhanced Community Quarantine sa ilang barangay ng Quezon City.
Ito ay matapos mapagtala ng dalawa o higit na kaso ng COVID-19 sa isang barangay tulad ng sa Tandang Sora at Brgy. Kalusugan.
Sa ngayon, meron ng 29 na kaso ng coronavirus sa lungsod, isa na ang namatay at tatlo ang gumaling.
Ayon kay Mike Marasigan, Hepe ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ng Quezon City, hindi na nila papayagang lumabas ang mga nakatira sa bahay ng nagpositibo ng COVID-19 na ngayon ay tinatawag na hot zone.
Sa mga maghahatid ng pagkain at iba pang pangangailangan, ito ay iiwan nalang sa tapat ng bahay at hindi na haharapin ang nakatira doon.
Samantala, sa barangay na nakataas ang Extreme Enhanced Community Quarantine, hindi basta-basta makakalabas ng bahay ang mga kapitbahay nito na nasa 500 meters mula sa bahay ng nagpositibo sa COVID-19.
Dapat mayroon silang sapat na dahilan para payagan ng mga otoridad sa kanyang pakay sa pag-alis.
Kasabay nito magpapatupad ng road closure sa East Ave., Himlayan at E. Rodriguez. Mga lugar kung saan may mga pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Quezon.